Press "Enter" to skip to content
Loading...

Saan gaganapin ang CS Exam at saan ako dapat magpasa ng application?

Sagot: Sundin ang mga sumusunod na hakbang:

1. Basahin ang Examination Announcement No. 04 , s. 2017. >> https://goo.gl/rs9zeo

2. Hanapin ang listahan ng testing centers o mga lugar kung saan gaganapin ang CS Exam. Pumili ng testing center mula sa listahan.

Note: NCR applicants will be assigned to take the exam in a testing venue within NCR. Specific school assignments will be available 1 week before exam day.

Pwede ring tingan ang listahan ng mga Testing Centers dito.

3. Ipasa ang inyong application sa CSC Regional Office (CSC RO) na nakasasakop sa inyong napiling testing center, o sa alin mang Field Office ng CSC RO na ito.

Halimbawa:

Napiling testing center: Morong, Rizal
CSC Regional Office na nakasasakop rito: CSC Regional Office IV

– Maaaring magpasa ng application sa CSC Regional Office IV na matatagpuan sa Panay Avenue, Quezon City.

– Maaaring magpasa ng application sa CSC Field Office-Rizal na matatagpuan sa Cainta.

– Kung nais mong kumuha ng exam sa Morong, Rizal ngunit ikaw ay kasalukuyang namamalagi sa ibang probinsya ng Region IV (e.g., Batangas, Laguna, Palawan, Cavite, Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Quezon, Romblon), maaari ka ring magpasa ng application sa alin mang CSC Field Office sa Region IV. MAHALAGANG PAALALA: Huwag kalimutang ipaalam sa CSC Exam Officer na ang inyong napiling testing center ay Morong, Rizal.

3 Comments

  1. Marceliana Caraggan Marceliana Caraggan May 18, 2018

    Walang nagbabawal na kumuha ka ng CS Exam kung pasado ka na sa Board Exam administered ng PRC. Kung ang work na pinapasukan mo ay requiring Civil Service Eligibility despite na PRC licensed ka na, then you should take the CS Exam. Kung di naman kailangan, huwag ka na mag CS Exam. Sayang lang ang payments mo for application fee at purchase ng review materials. Lalo sayang yung time and effort na spend for mo to review and take exam.

  2. AJ De Jesus AJ De Jesus May 22, 2018

    Hi po tanong ko lang po if san po ba ako pwede mag pasa ng application form ? Taga taguig po ako

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *